Freelancing Tips

7 Reasons Why You Need to Identify Your Ideal Clients

Realtalk: You cannot chase all those businesses to be your clients!

Yes, that is true! Not all businesses are your potential clients. Kailangan mong magfocus sa isang business industry or niche. Read on and you will know why!

Every business industry is different. Kung nag-uumpisa ka pa lang, you might get overwhelmed with all the opportunities, jobs and skills na pwede mong pag-aralan. Pero hindi ka mag-iimprove kaagad kung lahat ng nakikita mong free online course, o jobs ad eh pag-aaralan mo at aaplayan mo. Yun yung pinaliwanag ko sa previous post, if you haven’t read that yet, click here.

Knowing Your Target Clients

Ganun din sa paghahanap ng clients. Pwede mo namang aplayan lahat ng type of jobs na makikita mo. Pero mas maraming advantage kung magfofocus ka sa isang niche o business industry. Bago ko isa-isahin yung mga advantages, pagisipan mo muna ito.

Let’s say, isa kang Social Media Manager. Syempre lahat ng businesses ngayon gusto magkaroon ng online presence. Lahat ng businesses gusto magkaroon ng Facebook page. Pero, anong business sa palagay mo ang mas mangangailangan ng social media manager para sa isang Facebook page.

Here are the options: a client with a brick and mortar business – sila yung may mga physical store or buildings na nag-ooffer ng services face-to-face, or a client with an e-commerce business like an online store?

Which do you think of these two businesses badly needs your service? Of course, both of them needs it. BUT an e-commerce needs it more. Online world is their platform, it is where their business survives. Yung may physical store pwede sila mag-operate kahit wala silang Facebook page. They need it for a boost sa marketing nila, pero an online store uses their page, to sell products, to communicate with their customers, and to build their community.

That is why you have to identify your target clients! Yung type of businesses na talagang nangangailangan ng services mo. 

Advantages!

Here are the advantages kapag na-identify mo na yung niche ng ideal clients mo.

  1. The longer you work for a specific type of business, mas masasanay ka sa flow ng work at mga tasks. Same businesses almost have the same pattern ng tasks. Pag nasanay ka na, mas madali ma nang matututuhan yung mga gagawin kahit bago yung client mo.
  2. Pag nagustuhan ng client mo yung ginagawa mo, irerecommend ka niya sa friends niya, na malamang ay kapareho niya din ng type of business. So, tulad ng number 1 advantage, hindi ka na mahihirapan magsimula ulit sa kung anong gagawin sa new client na to since pareho sila ng business.
  3. You can add value to their community. Kung magkaroon ka ng client na baguhan sa industry ng dati mong client, you can suggest ways kung pano nila pwede iimprove yung business nila. That way, your giving value to your client at iisipin nila na expert ka na sa field na yun.
  4. Hindi ka mahihirapan maghanap ng bagong client. Aside from recommendations from your previous clients, makilala mo din yung ibang business owners on that industry. Halimbawa, pag pinagawa ka ng client mo ng research about competitors, may clue ka na kung sino yung mga clients on that field.
  5. Malaking advantage din na kung mag-aaply ka sa parehing niche, plus points agad sa bagong prospect client mo na may experience ka na sa ganung industry. That way meron ka na agad 90% chance na ma-hire ng bagong client na to.
  6. At malalaman mo din yung problems na naeencounter ng clients on that niche, at pwede mo din idagdag yun sa services mo. Halimbawa, kung social media manager ka, since mas OK ngayon yung video content sa social media, pwede mong i-upgrade yung skill mo to video editor. Simple videos na targeted sa target market ng clients mo. That’s a great upgrade to your skills and services.
  7. And pinakamalaking advantage ay yung hindi ka na mag-uumpisa sa simula pag may bago kang client. Hindi mo na kailangan ng days of training dahil nga familiar ka na sa business na yun. Not like kung hahanap ka ng bagong client with a different business, you have to start from scratch.

Dis-Advantage?

I can only think of one dis-advantage. Others may say, “Nakakaboring naman na paulit-ulit yung mga tasks na ginagawa mo.” Pero, like what I’ve said sa previous post, kung gusto mo yung ginagawa mo, at masaya ka dito, hindi ka magsasawa, hindi ka din maboboring.

Kaya, think of it as one of your long term goals! Kung sa tingin mo masaya ka pa din sa ganung tasks kahit after two or three years, then that’s the best for you!

You will realize how easy it is na maghanap ng bagong client kung alam mo kung sino ang hahanapin mo.

5 Steps to Finding Your Niche

With all the opportunities available in freelancing world, it might be overwhelming for a newbie to find where to start, what skill to learn or what they want to be.

FIRST, you’ve got to know what you really want and what you enjoy doing!

Kung mahilig kang gumawa ng graphics or may experience ka, magfocus ka na lang dun. Kung mahilig ka naman sa social media and gusto mong pinag-aaralan yung mga secrets ng Social Media paltforms focus ka din dun.
Dun ka kasi mag-uumpisang mag-build ng profile mo. Minsan kasi ang nangyayari, lalo na sa newbies ang tinatanong agad kung “Anong in-demand na skill ngayon?” o “Anong skill ang pwede po sa akin?” That’s not the case when it comes to freelancing.

What you should be asking? WHAT DO I REALLY ENJOY DOING?

Dun kasi papasok yung eagerness mo to learn something. Kapag gustong-gusto mong matutuhan yung isang bagay, hindi ka mahihirapan gawin yun.
Isa pa, kung nag-eenjoy kang gawin ang isang bagay, hindi ka magsasawa dun.
choose-a-job-you-love
Kung hindi mo pa rin alam kung pano mo malalaman ang gusto mong gawin, a.k.a. ikaw pa rin ay gulong-gulo, i-try mo to. Pumunta ka sa Upwork then dun sa Find Work na tab, makikita mo dun yung mga categories. Pili ka ng isang category na gusto mo, or yung may kakaibang dating sayo na pakiramdam mo eh madaling aralin. Then kung may sub-category sya, tingnan mo din yun.
Tapos pag may nakita ka nang isang Category na malapit sa puso mo, yung parang may kakaibang tibok at appeal sa’yo yung ganong trabaho, dun ka magsimulang aralin yun.

 

NEXT, so ayun kapag may napili ka na, anong pwede mong gawin?

Pwede mong gawin to:

  1. Sumali ka sa groups na nakafocus sa field na yun. Kung about sa Social Media yung napili mo, maraming groups sa Facebook na nagfofocus dyan. Ganun din gawin mo kung ibang field. Basta search niyo lang sa search box ng Facebook tapos click niyo sa bandang itaas yung groups, makikita niyo na yung list na pwede niyo salihan.
  2.  Hanap ka or abang ka ng webinars about sa napili mong field. Tandaan mo, focus ka muna sa field na yun. Maraming webinars dyan sa paligid, piliin mo lang muna yung tungkol sa niche mo. Kapag kasi sumali ka pa sa ibang niche, let’s say about SEO, pero Social Media ang napili mo, maguguluhan ka na naman. Kaya focus muna sa isang skill.
  3. Take free courses sa napili mong niche. Pwede din namang paid courses pero I will recommend yung free muna. Madami naman nun. Kapag nag-uumpisa ka pa lang kasi, basics muna ang kailangan mong aralin. At ang basics niyan, usually sa mga free courses or yung mura lang like $10.
  4. Learn the tools na kailangan mong aralin. Kung free lang yung tools, make an account or download para maiapply mo agad yung mga natututuhan mo. Pwede mo ding i-add as portfolio yung mga samples na nagagawa mo kahit practice pieces pa lang, basta make sure na maganda at maayos at yung impressive kahit paano.
  5. Accept or apply to small projects na may kinalaman sa napili mong niche. Dun magsstart ma-build yung profile mo. Kahit short term lang, minsan mas ok yung short term para agad ka may review or feedback sa profile mo. Tandaan mo lang na yung aaplayan mo eh may connect sa napili mong niche para padagdag nang padagdag yung reviews, experience and credentials mo.

BAKIT MAHALAGA NA MAGFOCUS SA ISANG SKILL O NICHE?

Simple lang, para mabilis kang matuto. Kapag kasi madami kang inaaral na skill na sabay-sabay, hindi ka gaanong matututo. Pwedeng maguluhan ka sa inaaral mo dahil hindi ka makakapag-focus.

Remember: Learn ONE skill at a time.

At kung gusto mo na maglevel-up, magtaas ng rate or magdagdag ng service, it would be best na connected pa rin sya sa niche mo. Like kung Social Media Management, pwede mong aralin yung Facebook Ads Marketing. I-master sya mo para confident ka sa i-o-offer mong service.

At from there, dagdag ka na lang ng dagdag sa skillset mo. Pwede ka pa din naman mag-aral ng ibang skills kung gusto mo. 🙂

Kung nakatulong ito sa’yo, COMMENT ka lang sa ibaba o i-SHARE mo sa friends mo na tingin mo eh kailangan din nila to. Kung may naisip ka naman na tips, i-COMMENT mo lang din yan para makatulong sa iba.

 

SALAMAT SA PAGBABASA!

Kung may gusto kang itanong, o topics na gustong pag-usapan sa susunod na post, jsut comment down below.